Pagdami ng
Populasyon, Pagkaubos ng Kalikasan
Sa pagdami ngayon ng populasyon sa Pilipinas, hindi naiiwasang kumuha ng parte
ang mga konsumers sa ating kalikasan, at ang epekto nito ay hindi nabibigyan ng
pansin ng tao. Madami ang maaaring paggamitan ng ating likas na yaman, tulad ng
pagkain, negosyo, mga kagamitang pang-industriya, ang ating mga gusali at
bahay. At kahit binibigyan tayo ng kalikasan ng ating mga pangunahing
pangangailangan, hindi natin ito binibigyan ng halaga o gumawa ng aksyon sa
pagpapalit ng ating mga nakuhang resources. At dahil sa gawaing ito, ang ating
bansa ay patuloy na nasisira.
Sa mga
pangyayaring ito, kahit ang gobyerno ay hindi nagsasagawa ng mga proyektong
ayusin ang ating kapaligiran. Kaya kahit ang ating mundo ay nagkakaroon ng
global warming, kahit kokonti ang populasyon ng isang bansa, hindi pa rin nila
naaalagaan ang kalikasan. Madami ang epekto ng sobra-sobrang populasyon ng mga
tao. Ang kaunahang epekto nito ay ang pagkaubos ng malinis na tubig. Ayon sa
United Nations, sa higit na taong 2025 ang buong mundo ay magkakaroon ng
"Global Water Crisis", kung saan maaaring magkulang ang tubig na
maaring maiinuman ng mamamayan. Ang pangalawa ay ang pagkabuos ng ating
mga hayop, dala nito ang Climate Change. Dahil kahit ang mga hayop ay
naaapektuhan kapag ang ating klima ay hindi na ayon sa tamang temperatura nito,
at ang resulta ayang pagkamatay ng mga hayop, hindi lamang sa klima, kung di sa
kaninang uri ng pamumuhay, ugali sa pagkain, at iba pang kukuhaan ng likas na
yaman.
Ngunit maaari pa rin itong maayos at mas lalong mapaganda at
mapalago ang ating yamang kalikasan. Ang tanging paraan lamang ay ang magkaroon
ng wastong pag-iisip at kaalaman sa ating kapaligiran, umaksyon at tumulong,
magkaroon ng disiplina sa paggamit ng mga likas na yaman, at pagaalaga nito
para mapanatili ang bigay ng Diyos para mapakinabangan pa ng ibang henerasyon.
Narito ang isang bidyo kung saan makakatulong at makakadagdag ng ating kaalaman
ng Green Earth Programs o pagaalaga sa mundo.
No comments:
Post a Comment