Friday, October 23, 2015



Pagdami ng Populasyon, Pagkaubos ng Kalikasan


          Sa pagdami ngayon ng populasyon sa Pilipinas, hindi naiiwasang kumuha ng parte ang mga konsumers sa ating kalikasan, at ang epekto nito ay hindi nabibigyan ng pansin ng tao. Madami ang maaaring paggamitan ng ating likas na yaman, tulad ng pagkain, negosyo, mga kagamitang pang-industriya, ang ating mga gusali at bahay. At kahit binibigyan tayo ng kalikasan ng ating mga pangunahing pangangailangan, hindi natin ito binibigyan ng halaga o gumawa ng aksyon sa pagpapalit ng ating mga nakuhang resources. At dahil sa gawaing ito, ang ating bansa ay patuloy na nasisira.




      Sa mga pangyayaring ito, kahit ang gobyerno ay hindi nagsasagawa ng mga proyektong ayusin ang ating kapaligiran. Kaya kahit ang ating mundo ay nagkakaroon ng global warming, kahit kokonti ang populasyon ng isang bansa, hindi pa rin nila naaalagaan ang kalikasan. Madami ang epekto ng sobra-sobrang populasyon ng mga tao. Ang kaunahang epekto nito ay ang pagkaubos ng malinis na tubig. Ayon sa United Nations, sa higit na taong 2025 ang buong mundo ay magkakaroon ng "Global Water Crisis", kung saan maaaring magkulang ang tubig na maaring maiinuman  ng mamamayan. Ang pangalawa ay ang pagkabuos ng ating mga hayop, dala nito ang Climate Change. Dahil kahit ang mga hayop ay naaapektuhan kapag ang ating klima ay hindi na ayon sa tamang temperatura nito, at ang resulta ayang pagkamatay ng mga hayop, hindi lamang sa klima, kung di sa kaninang uri ng pamumuhay, ugali sa pagkain, at iba pang kukuhaan ng likas na yaman.


     Ngunit maaari pa rin itong maayos at mas lalong mapaganda at mapalago ang ating yamang kalikasan. Ang tanging paraan lamang ay ang magkaroon ng wastong pag-iisip at kaalaman sa ating kapaligiran, umaksyon at tumulong, magkaroon ng disiplina sa paggamit ng mga likas na yaman, at pagaalaga nito para mapanatili ang bigay ng Diyos para mapakinabangan pa ng ibang henerasyon. Narito ang isang bidyo kung saan makakatulong at makakadagdag ng ating kaalaman ng Green Earth Programs o pagaalaga sa mundo.